408759990_36843e8941_m.jpgBakya

Main article:
Kinikilala ang Marikina bilang Shoe Capital ng Pilipinas. Maituturing itong mahalagang pook, upang mabalik-tanawan ang kultura't kasaysayan sa likod ng paggawa ng mga sapatos. Dagdag pa rito, masasabi natin na ito'y pagpapakitang-gilas at pagiging malikhain ng mga Marikenos. Karapat-dapat lang itong mailagay sa pambansang tuktok, kung sapatos lamang ang pinag-uusapan. Ang lahat ng ito'y nagsimula sa pagbibigay-daan ni Don Laureno "Kapitan Moy" Guevarra, dulot ng kanyang matinding pangangailangan na maayos ang sariling sapatos. Noong panahong iyon, tanging mga Tsino ang gumagawa ng prosesong ito. Lingid sa kaalaman ng iba, kilalang-kilala na ang mga Marikenos sa malawakang paggawa ng iba't ibang uri ng sapatos, tsinelas at bakya, bago pa dumating ang mga Kastila. Sa dakong ito, nabanggit natin ang salitang bakya o mas alam bilang clogs na gawa sa kahoy. Ito ay pinuputol ayon sa sukat ng paa, pagkatpos dahan-dahang kinikiskis at kinikinis. Bawat tagiliran nito'y maaaring lagyan ng mga mala-landscape pati mala-floral na disenyo. Kasama rito, ang pagpipintura, pagpapakintab ng mga ito at saka ang pagpapako ng plastik o rubber strap sa huli. Pinakasikat itong trend na ito noong 1930s to 1950s, kung saan binibili ang mga bakya bilang pasalubong sa mga babae't nanay ng mga Amerikanong sundalo't turista. Sa kabila nito, para sa ating mga Pinoy, maihahalintulad ito na "footwear for all seasons." Hindi lamang ito mabilis suotin kundi magaan pa sa paa. Isang maiuugnay na kasanayan ang pagtanggal ng mga ito tuwing papasok sa bahay ng iba. Baseh rito, malalaman mo kung marunong gumalang ang isang tao depende kung paano ito iniwan. Sa kabuuhan, itong industriya ang nagpaunlad sa Marikinang kinikilala natin ngayon.
http://www.marikina.gov.ph/pages/shoemuseum.htm
http://sapatospinoy.blogspot.com/2008/01/bakya.html